Working Students
April 17, 2008, 10:07 am
Filed under:
This Life
The other day, I was walking towards Jolllibee for lunch with my usual blank stare — being the automaton I am — when I bumped into someone I knew from college.
K.M. was a working student at AUP. And not just any working student. He was a monitor at Molave Hall.
…..
Now for those that do not comprehend the gravity of Monitor at Molave Hall. It’s actually one of the hardest and most avoided of jobs at AUP. Why? Refer to enumeration.
1. Your duties include maintaining order at the dormitory. That’s 300 rather unruly, testosterone-reeking dormitorians. No small feat.
2. You clean up after these dormitorians. You sweep the hallways. Dust the ceilings. Repair awnings and windows. And clean up the ocassional human feces on the bathroom floor(human, I kid you not.)
3. People generally make you feel small due the senorito complex many dormitorians have.
It isn’t all bad, thorns do come with roses sometimes. But I think you get the point.
…..
So KM and I got to talking.
"Oh, Chee how are you doing?"
"Doing rather well(I lie). How about you? Where do you work?"
"I work for insurance company X"
"Oh really? I work for insurance company Y as an analyst programmer. How about you?"
"I’m currently a sales manager for company C"
Now I maintain my flat-affect face, but deep inside, my eyes are bulging and my mouth is agape. Sales Manager? Isn’t that someone you call boss? Someone who says go, and they go. Who says stay, and they stay?
I’m happy for him really and then I realize that I’m grinning ear to ear. Haha, good for you, I wonder where those guys that used to bully you are right now? Probably still hanging on to the coattails of their parents. Look at you, you’re self-made!
Pag may tyaga, may nilaga.
We part ways, but I’m still grinning. I’m really happy for him.
…..
The school I’m from–the Adventist University of the Philippines–has a storied tradition of taking in working students into its fold–students too poor to afford a normal education but hell-bent on working their way to a diploma.
And believe me when I tell you that many of them turn out to be very successful people. Just goes to tell you that faith, hope and a lot of perseverance goes a long way.
I look at KM and I think, Success is for those with no excuses for their past. They move towards the future.
I couldn’t resist inventing a corny line to end this post. Sorry
Channelling Francis Kong
April 17, 2008, 9:35 am
Filed under:
This Life
Yes, I’ve taken the Francis Kong route. No, I have yet to make any money out of it.
For those who don’t know Francis Kong, he’s the guy with those cute inspirational books that, unfortunately, cost an arm and a leg to own. And around 60 percent of the time, the chapters come straight out of his inbox(forwarded emails, stories, quotes, etc.)
I find his books inspirational, though, if you have the time (and the dough). Go get yourself a copy. Really.
Anyway, today’s post comes straight out of my inbox.
…
The first email I got this morning was from an officemate. I found it funny and thought-provoking. Here goes.
….
TAGUBILIN AT HABILIN
Ni Jose F. Lacaba
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
…..
A prize is up for the first soul brave enough to translate this into English.
…..
Oplan Krispy Kreme
April 16, 2008, 8:06 am
Filed under:
This Life
Sa office.
[Chee in underlined italics]
Krispy Kreme opens its doors on Friday. FIrst customer receives one year’s supply of glazed doughnuts. Second customer receives 6 months supply. Next 300 customers get one-month’s supply each.
…..
"Uy pila na tayo!"
"Cge pila kayo ni # para masaya, magcamp kayo dun para sabay date na"
"O bat ako nanaman ang nabanatan"
"Hahaha"
"Hahaha"
"Hahaha"
"Hahaha"
"Teka, me idea ako, pwede tayong magambag para maka 3000 pesos tayo. Tapos bayad na lang tayo ng taong pipila. Pare panalo yon! Tayo magclaim ng doughnuts.
"Haha, oo nga. Isang taong supply ng doughnuts yun."
"O # pila na kau ni # para date na"
"Di nga, seryoso ako. Pwede tayo magrent ng taong pipila."
"Hehe. Oo nga, pwede din."
"O sinong call?"
"Sige, tol, call ako, hehe!"
"Di nga seryoso kayo?"
"Oo nga, pwede din, kasi biruin mo 3000 pesos ang puhunan. One year supply of doughnuts at 40 pesos per doughnut[oo, mahal ang Krispy Kreme] at 12 pieces per week X 52 weeks = 24960. So bale yung return on investment ay 832 percent."
"E pano kung hindi sya ung first."
"E di bigyan na lang natin sya ng consolation price"
"Uy ako me kilala akong batang pwedeng pumila."
"Tekbata bata"
"Oo nga, he might get harassed. Teka ‘he’ nga ba?"
"Di kaya magkaproblema tayo sa DOLE for child labor?"
"Baka pag bata madaling sindakin. Mawala pa sya sa pila"
"17 na un, di na bata."
"Pwede din"
"Oo, kung di sya manalo, bigyan nyo na lang ng 300"
"O, seryoso na to. Sinong call"
"Sige pare, call ako"
"Ako din."
"Ano, tatawagan ko na ung bata"
"Teka, baka naman non-transferable ung doughnuts."
"Pwede un."
"Lugi nga lang tayo sa mga tambay. One year supply din un. Pwede sila pumila ng sobrang aga. Wala naman silang trabaho e."
"Oo nga. Kaya nga tayo magrerent nag pipila. Hindi yun. Malabo mangyari un. Tapos maaga tayo pipila. Mga Thursday ng gabi pila na ung pipila"
"Chong, tinanong ko ung guard. Pwede daw magwiwi ung mga pipila; di sila mawawalan ng pila."
"Cge tol, go na to a."
….
[Thursday: 3:00 PM]
"@!#@! pare me nakapila na!"
"!@!@ [laughing] adik yun a. !#! [laughing] ang init pa e natiis nyang pumila!!"
"Haha. Sira yung plano natin"
"Pare nagiisip nga ako ng plan B e. Rent tayo ng 12 na pipila sa 300 customer promo. 1 month supply each yun"
"Sana sinabi nyo ng maaga, pwede naman pumila ng Wednesday ung bata e."
"Anyway, masaya naman ang plano, sablay nga lang hahaha!"
"Okay lang, di naman masarap yang doughnut nila e. Mahal pa"
…..
Oo, hindi kami nanalo ng one year supply ng Kripy Kreme pero hindi din nasayang ang aming oras dahil mas matimbang nag nabuong pagkakaibigan dulot ng kapit-bisig na pagtutulungan. [Oo korni. Kelangan kahit papano me moral lesson itong mundane activity na to e. :D]